22
holdaper-patay-crime-scene
By

1 patay, 6 huli sa raid sa drug den sa Lucena City

Sharing is caring!

Nasawi ang isang lalaki habang sugatan naman ang anim na iba pa matapos salakayin ng mga pulis ang isang drug den sa Lucena City Linggo ng umaga.

Nabatid na target ng mga pulis ang pag-aresto sa isang George Magpantay at pamangkin nito na si Manuel “Fruitcake” Magpantay, may-ari ng bahay na ginagamit umanong drug den sa Barangay Dalahican.

Nakarinig umano ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksiyon sa ikinasang buy-bust operation dahilan para paputukan ng mga ito ang mga otoridad.

Ayon sa pulisya, sinubukan ng mga operatiba na bumili ng droga mula sa mga suspek, pero nakatunog umano ang mga ito na pulis ang transaksyon.

Sinubukan lang tumakas ng magtiyuhin sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana sabay na nakipagbarilan sa mga otoridad.

Namatay sa palitan ng putok ang suspek na si George habang nakatakas naman ang pamangkin niyang si Manuel.

Samantala, huli naman ang 6 na indibidwal na naabutan sa drug den.

Narekober sa lugar ang ilang drug paraphernalia at pakete ng hinihinalang shabu.

Ikinasa ang operasyon matapos isumbong ng ilang residente sa police hotline ang kahina-hinalang aktibidad ng mga suspek, ayon kay Quezon police chief Senior Supt. Osmundo Guzman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?