105

Dec 13, 2017 @ 14:57
By

1 patay, 4 sugatan sa sunog sa Sampaloc

Kumpirmadong nasawi ang isang biktima sa sunog na naganap sa Loreto Street sa Sampaloc, Maynila.

Sampung mga bahay ang tinupok ng apoy at umabot sa mahigit 30 mga pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Nagsimula ang sunog alas-10:20 ng umaga sa ikalawang palapag ng isang inuupahang bahay at mabilis na kumalat samga kalapit na bahay.

Maliban sa isang nasawi na hindi pa nakikilala, mayroon pang isa na hinahanap ng kanyang kaanak.

Apat naman ang naitalang sugatan sa sunog kabilang sina Ritchie Catle, 37-anyos; FO1 John Natividad na tumalon mula sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay; Rosemarie Gonda at anak nitong si Mary Ann.

Umabot sa 4th alarm ang sunog at alas-11:30 ng umaga nang ideklara na fire out na ang nasabing sunog. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?