23
views
ABANTE dead drug op arrested crime jail

1 patay, 4 arestado sa anti-illegal drug ops sa Puerto Galera

Sharing is caring!

Isa ang namatay habang apat pa ang dinampot, kabilang na ang Swiss national, sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro noong Martes.

Ayon sa report, nasawi si Ildefonso Minoza Nanola, alyas Jay-ar, matapos umanong maka-engkuwentro ang mga operatiba ng kapulisan.

Naaresto naman matapos ang operasyon sina Marilou Minoza Nanola, Cherrilyn Tinoko Sarangilo, John Michael Pendon Aragon, at ang Swiss national na si Stefan Reinli.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Puerto Galera Municipal Police Station ang mga nadakip na suspek.

Isinagawa ang operasyon dahil umano sa pagkakaroon ng drug den ng mga suspek at pag-iingat ng shabu.

Narekober sa crime scene ang isang 9-mm na baril, 21 sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at drug paraphernalia. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?