387

Dec 23, 2017 @ 20:29

1 patay, 2 pa nawawala sa lumubog na bangka sa Quezon

Patay ang isa habang dalawa pa ang nawawala matapos lumubog ang sasakyang pandagat na may kapasidad na tatlong tonelada sa Bonbon, Panukulan, Quezon nitong Sabado ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni Panukulan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer Gereme Erracho, ang bangkang ‘Vince Nichole’ na patungong Infanta, Quezon mula sa Sitio Bungliw, Barangay Rizal, Panukulan, Quezon ay tumaob at lumubog sa karagatan ng Bonbon sa pagitan ng alas-10:00 hanggang alas-10:30 ng umaga, sa ulat ng GMA News.

Kumpirmadong patay umano ang nakilala sa pangalang Nancy Samodio habang nasagip ang siyam pang pasahero nito.

Kinilala naman ang dalawang nawawala na sina John Rex at John Darren Cabuyao.

Ayon pa sa opisyal, maaaring ang malakas na hangin ang dahilan kaya tumaob ang bangka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?