7

Feb 23, 2021 @ 16:21
By

1 patay, 2 missing sa Caraga dahil kay ‘Auring’

Isang tao ang nasawi samantalang nawawala naman ang dalawa pang indibidwal buhat ng pananalasa ni Auring sa Caraga region.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas at Western Visayas ang inilikas dahil sa banta ng nasabing bagyo.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa 60 bahay ang winasak ng bagyo sa Caraga at Davao region at 180 naman ang bahagyang naapektuhan.

Anang NDRRMC, patuloy pa silang kumakalap ng datos sa bilang ng mga naapektuhan ni Auring.

Nito lamang Martes ng maging ganap na low pressure area ang nasabing bagyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?