39

Jan 5, 2022 @ 14:54
By

1 patay, 1 sugatan pagsalpok motorsiklo sa poste sa Maynila

Patay ang isa habang sugatan naman ang isa pa matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa isang poste sa Sampaloc sa Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Ariel Esplago, 22, nagmamaneho ng motorsiklo; habang ang sugatan naman ay ang angkas niyang si Rainier Christopher Dondoyano, 21.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, binabaybay ng mga ito ang eastbound lane ng Legarda Street nang bigla silang sumalpok sa isang poste.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon umano ang mga ito atsaka bumagsak sa sahig.

Agad namang isinugod sa ospital ang dalawa ngunit binawian din ng buhay si Esplago habang nagpapagaling naman si Dondoyano.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulisya sa posibleng dahilan ng aksidente. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?