18

Jan 26, 2021 @ 17:23
By

1 pang suspek sa panghoholdap sa Sampaloc, Maynila timbog

Nadakip ng mga awtoridad ang ikalawang suspek na sangkot sa pagnanakaw, pananaksak at pangangaladkad sa isang lalaki sa Sampaloc, Maynila noong Biyrnes.

Ayon sa ulat, nanghingi ng paumanhin ang hindi na pinangalanang suspek kay alyas ‘John’ na siyang biktima.

“Humingi po siya ng tawad sa akin doon sa nangyari. Sabi ko ‘Sa tingin mo ba madidispensahan mo pa ‘yung mga ginawa mong pananaksak sa akin?’ Kasi naalala ko ‘yung pagmumukha niya sir eh,” ani ‘John.’

Ayon sa suspek, naibenta na niya ang ninakaw nilang cellphone mula kay ‘John’ sa halagang P17,000.

Hindi naman sa kulungan ang bagsak ng salarin dahil napag-alamang menor de edad pa lamang ito.

Daldalhin ang suspek sa Manila Youth Reception Center habang hinihintay ang hatol ng mga kinauukulan

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?