176

By

1 pang preso sa Cavite, patay sa ‘overcrowded’ at mainit na kulungan

Hinihinalang namatay sa siksikan at mainit na selda ang isang preso sa Noveleta Police Station sa Noveleta, Cavite nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Region 4 Police Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nakitang nahihirapang huminga ang presong si Gilbert Guhit bago nawalan ng malay 8:40 ng gabi sa kanyang kulungan.

Isinugod pa sa Kawit-Kalayaan Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.

Iniimbestigahan na ng Noveleta Police ang mga pangyayari na nagresulta sa pagkasawi ng preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?