52

By

1 pang Pinoy fisherman patay sa gumuhong tulay sa Taiwan

Natagpuan nang bangkay ang isang Pilipinong mangingisda na naiulat na nawawala matapos mag-collapse ang isang tulay sa Taiwan noong Martes.

Kinilala ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang nasawing Pinoy na si Romulo Escalicas Jr.

Magugunitang nauna nang narekober ang dalawa pang Pilipino noong Miyerkoles.

Sampu ang sugatan sa nangyaring pagguho kabilang ang limang Pilipino.

Nangako naman ang MECO na ire-repatriate ang mga labi ng mga namatay na Pinoy.

Samantala, hindi pa batid ang sanhi ng pag-collapse ng may 140-metrong haba ng arched bridge sa bayan ng Suao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?