17

Apr 16, 2021 @ 19:22
By

1 pang ospital binigyan ng permit sa paggamit ng ivermectin

Isa pang pagamutan ang pinayagang gumamit ng anti-parasitic drug ivermectin bilang potensiyal na gamot sa COVID-19.

Ayon kay Food and Drug Administration head Dr. Eric Domingo, dalawang ospital na sa ngayon ang binigyan ng compassionate special permit (CSP) upang gumamit ng ivermectin.

“Two hospitals actually applied to us and have been given CSP,” sambit niya sa panayam sa ANC ngayong Biyernes.

Hindi niya tinukoy ang dalawang ospital na aprub nang gumamit ng ivermectin vs COVID-19.

“If a hospital requests for compassionate special permit for patients, they can do that as long as the hospital takes responsibility, and of course, the patients should be fully informed,” punto niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?