22

Nov 18, 2021 @ 17:44
By

1 pang gamot kontra COVID hiningi aprub ng FDA

Dalawang pharmaceutical firm sa bansa ang nag-apply para sa emergency approval ng Food and Drug Administration (FDA) sa Molnupiravir, isang antiviral na gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, nag-apply ng emergency use authorization ang Faberco at MedEthix na posibleng maaprubahan nitong buwan.

Kasalukuyan nang ginagamit sa bansa ang Molnupiravir dahil nabigyan ito ng compassionate special permit.

Naunang nagsabi ang Faberco na napili nito ang Ritemed Philippines para mag-distribute ng Molnupiravir sa pribadong sektor, ospital at treatment site.

Ronapreve ang unang COVID-19 drug na inaprub para sa emergency use sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?