97

Mar 4, 2020 @ 15:42
By

1 pang doktor sa Wuhan, namatay sa COVID-19

Panibagong doktor sa Central Hospital ng Wuhan sa China ang pumanaw dahil sa novel coronavirus (COVID-19).

Ayon sa The Star, nahawa ang 57-anyos na si Mei Zhongming habang ginagamot ang mga pasyenteng may virus.

Si Mei ang deputy director ng Ophthalmology Department ng naturang ospital.

Katrabaho siya ng doktor na si Li Wenliang, ang isa sa walong doktor na nagbabala sa gobyerno tungkol sa umusbong na virus sa Wuhan, at pumanaw din sa naturang infection noong Pebrero.

Nadapuan umano ng virus si Mei kalagitnaan ng Enero at nagsimulang lumalala ang kondisyon niya noong Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?