7

Jul 27, 2020 @ 12:31
By

1 pang COVID testing lab ng PNP bubuksan na

Nakatakdang buksan ang ikalawang COVID-19 testing laboratory ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na kayang makapagsagawa ng 300 hanggang 450 test kada araw.

“So hopefully kung matuloy `yong 2nd RT-PCR it would increase our capacity to test from 300 to 450 at kapag na-automate `yong 2nd PCR baka kaya namin ng 600 per day. That’s good enough to address the needs of the PNP personnel and their dependents,” pahayag ni PNP Director General Achie Gamboa sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes ng umaga.

“Nasa compound ng Health Service. Nakatayo na `yong building, nandyan na `yong makina. Inaayos na lang namin `yong training ng mga tao and of course the molecular pathologists,” dagdag ni Gamboa.

Inaasahan din ni Gamboa na hanggang katapusan ng Agosto ay mabubuksan na ang COVID-19 testing laboratory ng PNP sa Cebu at Davao.

“Before the end of August baka ma-open na rin `yong sa Cebu and then hopefully before sana bago ako mag-retire we will open up one also in Davao pero pinasimulan ko na `yong infrastructure na gawin `yong isang RT-PCR testing center sa Davao,” ayon pa sa opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?