125
Cardema ‘hao-siao’ sa party-list bloc – Romero
Apr 15, 2021 @ 18:45
By

1-PACMAN Rep. Romero: Sabit sa bentahan ng laro i-ban sa lahat ng liga

Hindi na umano dapat payagang maglaro ang mga player na mapatutunayang sabit sa game fixing.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at 1-PACMAN Rep. Mikee Romero matapos kumalat sa social media ang video ng kontrobersyal na laro ng VisMin Super Cup sa pagitan ng Lapu-Lapu Heroes at Siquijor Mystics noong Miyerkules.

“Ban those players from any leagues that gives them salaries/allowances,” ani Romero na nagsusulong sa pagsasabatas ng panukala na patawan ng mabigat na parusa ang mga sabit sa game fixing.

Ang House Bill 8870 ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa noong Marso at naipadala na sa Senado.

Sa ilalim ng panukala, ang mapatutunayan na sabit sa game fixing ay makukulong ng tatlo hanggang anim na taon at pagmumultahin ng P1 milyon hanggang P5 milyon.

Kung manlalaro ang nagkasala, ang kulong ay anim hanggang 12 taon at multang P1 milyon hanggang P5 milyon.

Kung miyembro ng sindikato ang napatunayang nagkasala, ang hatol ay habambuhay na pagkakakulong at P10 milyon hanggang P50 milyong multa. Ituturing na sindikato ang isang grupo kung ito ay sabwatan ng tatlo o higit pang tao.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Games and Amusements Board (GAB) sa kontrobersyal na laro na ginawa sa Alcantara Civic Center.

Kumalat ang video clips ng laro sa social media kabilang ang isang layup na sumablay kahit walang bantay at napakaraming sablay na free throw.

Tinanggal ng VisMin Cup ang Siquijor Mystics, habang suspendido naman ang ilang player at coach ng Lapu-Lapu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?