211

Oct 31, 2017 @ 15:33

1 pa miyembro ng Maute, patay sa Marawi

Patay ang isang miyembro ng Maute group nang makasagupa ng militar sa sentro ng bakbakan sa Marawi City kaninang umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner Jr., tinangka sanang tumakas mula sa main battle area ng Maute member pero nakita ito ng tropa ng militar habang nagsasagawa ng clearing operations.

Bukod dito, nakakita rin ang militar ng dalawang indibiduwal nitong isang araw na nagtangka namang pumasok sa main battle area at isa rito ay napatay ng mga sundalo.

Posible aniyang tangka ng mga ito na iligtas ang iba pang terorista.

Hindi pa tiyak ngayon ng militar kung ilan pa ang natitirang miyembro ng Maute sa loob ng Marawi pero hindi aniya ito maituturing na seryosong banta sa seguridad ng lungsod. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?