31
npa2
By

1 NPA, huli sa sagupaan sa Zamboanga del Sur

Sharing is caring!

Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nahuli sa kasagsagan ng sagupaan sa pagitan ng mga rebelde at militar, kamakalawa sa Sitio Pisio, Barangay Balonai, Zamboanga del Sur.

Kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng 53rd Infantry Battalion ang NPA member na si Jerry Macabinta, nasa hustong gulang at tubong Zamboanga del Sur.

Ayon sa tagapagsalita ng 1st Infantry Division na si Major Ronald Suscano, nagsasagawa ng combat patrol ang 53rd Infantry Battalion nang maganap ang sagupaan laban sa mga miyembro ng NPA sa bahagi ng Sitio Pisio, Barangay Balonai, Midsalip, Zamboanga del Sur, bandang alas-11:00, Sabado ng umaga.

Nakatakas ang iba pang rebelde sa naganap na sagupaan habang nakuha kay Macabinta ang isang caliber .4 pistol at wala namang nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?