682

Mar 2, 2020 @ 13:02
By

1 nabaril sa hostage crisis sa San Juan mall – Zamora

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, isang indibidwal ang nabaril sa isang hostage-taking sa Greenhills Shopping Center ngayong Lunes ng umaga.

Sinugod na ang biktima sa Cardinal Santos Medical Center.

“The initial info we have is that a disgruntled security guard who used to work here in Greenhills Shopping Center is currently taking hostages. Initial info also is he has firearms, grenades with him,” hayag ni Zamora sa ABS-CBN News, Marso 2, 2020.

“Initial info we have is that the guard was removed by the security agency, he went AWOL and today he decided to come back and make some demands. He was trying to convince other guard to join him in some sort of coup d’etat towards the mall management,” paliwanag pa nito.

Samantala, pinaalis na ang mga mallgoer at kasalukuyang naka-lockdown ang V-Mall o Virra Mall dahil sa insidente ng pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?