27

Nov 18, 2021 @ 14:00
By

1 month old sinuntok ng sariling ama

Dinakip ang isang lalaki matapos umano nitong suntukin ang sariling 1 buwang gulang na anak sa Kagoshima, Japan.

Arestado ang suspek na si Natsuki Nakashima, 23, matapos nitong umamin sa insidente.

Sinuntok ng ama ang anak nito sa ulo dahil ayaw daw umano nitong tumigil sa pag-iyak na nagbibigay ng sakit ng ulo sa kaniya.

Isinugod pa umano ng suspek ang bata sa ospital dahil napansin nito na hindi na humihinga ang biktima.

Nakatira ang biktima kasama ang apat na anak at asawa nito. Nangyari ang panununtok habang nasa labas ang asawa at dalawa nitong anak.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung madalas nitong sinasaktan ang mga anak. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?