45

By

1 kilong marijuana nasabat sa iniwang kotse sa QC

Sharing is caring!

Isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nadiskubre ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na iniwan sa loob ng nakaparadang kotse kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Bandang 2:30 ng madaling araw nitong Nobyembre 21, 2017, habang nagroronda ang mga awtoridad ay namataan nila ang tatlong kalalakihan na kanya-kanyang nagpulasan mula sa nakaparadang kulay gray na Mitsubishi Mirage na may plakang AAY 8433 sa R. Humabon St., Brgy. Sta. Lucia, Novaliches.

Dahil sa hiwa-hiwalay na nagtakbuhan sa iba’t bang direksiyon ang mga lalaking sakay ng nabanggit na kotse ay hindi na ito nahabol pa ng mga pulis.

Nang halughugin ng mga awtoridad ang inabandonang sasakyan ng mga suspek ay nakasamsam ang mga ito ng pinatuyong mga dahon ng marijuana na tumitimbang ng isang kilo.

Ang narekober na marijuana ay isusurrender sa Phillipine Drug Enforcemen Agency (PDEA) bilang ebidensiya habang tinutugis pa ang mga nagsitakas na suspek.

Nabatid na ang inabandonang sasakyan ay nakarehistro umano sa isang nagngangalang Mitzi Gay B Piol ng No. 22 –A Malibu St., Fairview, Quezon City. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang nabanggit na sasakyan ay kinarnap. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?