58

1 kilong cocaine itinago ng Brazilian sa kanyang pekeng puwet

Sharing is caring!

Inaresto ng mga awtoridad sa Lisbon airport sa Portugal ang isang Brazilian matapos makitaan ng isang kilo na cocaine na ikinubli sa kanyang pekeng puwet nitong Martes.

Ayon sa report Daily newspaper Publico, hinarang ng mga customs police ang suspek na nagmula sa Belem, Brazil matapos mapansin ang kakaibang hugis ng puwet nito.

Sa holding area, unang pinaghubad ang suspek ng kanyang pantalon.

Nang mapansing may nakabukol na bagay sa puwet nito, pinahubad din sa suspek ang dalawang swimming trunks nito hanggang sa madislibre ang isang plastic ng cocaine na tinatayang aabot ng isang kilo.

Inamin din ng suspek na may nilulon din siyang ilang plastic sachet ng cocaine. AFP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?