By

1-kilo ng imported marijuana, shabu nasabat sa Cainta

Sharing is caring!

Narekober ng mga tauhan ng Calabarzon PNP ang mahigit P2 milyong halaga ng imported marijuana at shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang parking lot sa Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal kaninang madaling-araw.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, alas-12:45 ng madaling-araw nakuha ang isang malaking plastic sachet ng shabu na aabot sa 250 gramo at may street value na P1,250,000 at isang kilo ng imported marijuana o kilala sa tawag na “kush” na may halagang P1,500,000.

Naaresto rin sa buy-bust operation sina Laika Camille San Pedro at kasabwat niyang si Maria Cecia Baylon.

Si Maria Cecia ay asawa umano ni Evan Baylon habang si Laika ay asawa ni Jester Vera.

Sina Evan at Jester ay nakakulong ngayon sa Metro Manila District Jail kasama si Antonio Cisneros na utak sa pagbebenta ng iligal na droga sa Metro Manila at kalapit probinsiya.

Si Cisneros ay naaresto taong 2016 matapos makuhanan ng iba’t ibang klase ng party drugs at P40,000 cash nang salakayin ang isang condominium sa Taguig.

Dagdag pa ni Eleazar, batay sa intelligence report, ang mga nakuhang shabu at imported marijuna ay mula sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?