21

Jun 16, 2020 @ 18:16

1 kalye sa Navotas, kinandado ng 5-araw

Pinalawig pa ng limang araw ang pag-lockdown sa isang kalye sa Navotas City dahil sa pagtaas ng nagpositibo sa COVID-19.

Hanggang June 20, 2020 na ila-lockdown ang Monroy Street, Barangay Navotas West, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

Sa inilabas na datos ng City Helth Office, 49 sa 96 na sumailaim sa COVID-19 test sa lugar ang nagpositibo o reactive at kaliangan pang makuhaan ng swab at sumailalim sa PCR test para mabatid kung sila ay tinamaan ng virus. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?