31

Oct 7, 2021 @ 20:40
By

1 iskul bawat siyudad sa face to face class hirit ng mga mayor

Hiniling ng mga alkalde sa Department of Education (DepEd) na mapasama sa face to face class ang isang paaralan bawat lungsod sa Metro Manila.

“Ang hinihiling nila kung masasama na ang NCR ay lahat ng mga siyudad sa NCR ay kahit isang representative dito sa pilot,” ani DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan sa Laging Handa briefing.

Sa kasalukuyan ay walang eskuwelahan sa Metro Manila ang kasama sa inisyal na listahan ng 59 public school na magkakaroon ng face-to-face class matapos bumagsak sa pagsusuri ng Department of Health.

Nananatili kasing mataas ang kaso ng COVID sa Metro Manila sa kabila na unti-unting bumababa ang reproduction rate nito.

Itinakda ang pagsisimula ng face-to-face class sa November 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?