93

Nov 23, 2021 @ 18:30
By

1 game suspension ni LeBron binatikos

Tumaas ang kilay ng mga netizen sa ipinataw na isang game suspension kay Los Angeles Lakers star LeBron James sa banggaan nila ni Detroit Pistons player Isaiah Stewart noong Linggo.

Nagsimula ang gulo nang pigilan ni James sa rebound sa free throw si Stewart, kung saan kitang siniko niya ang huli.

Duguan ang bandang kanang mata ni Stewart dahil dito kaya sinugod niya si James ngunit naharangan siya.

Ejected sa laro si James matapos tawagan ng flagrant foul penalty 2.

Kaya naman kinuwestiyon ng mga netizen kung bakit isang laro lang suspendido si James habang dalawang larong suspensiyon ang hinatol kay Stewart na kitang-kita umano na sinadyang sikuhin ng una.

Ito ang unang suspension ni James sa 19 taon niyang NBA career.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?