28

Oct 6, 2017 @ 14:19

1 down, 3 up sa Arellano

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Centre)
12:00 noon – San Beda vs. EAC
2:00 p.m. – JRU vs. San Sebastian
4:00 p.m. – Lyceum vs. Letran

Nadispatsa ng Arellano ang una sa apat na must-wins bago matapos ang elimination round, kumpiyansa si coach Jerry Codinera sa tsansa ng Chiefs na umahon sa 93rd NCAA basketball tournament.

Angat sa 6-9, kinaldag ng Chiefs ang College of Saint Benilde 95-65 kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. May tatlo pang nakaabang sa Arellano, kailangan nilang itumba lahat.

Naniniwala si Codinera na posible pa nilang maagaw ang third spot na kasalukuyang hawak ng JRU (9-6).

“Kinuwenta namin puwede pa kami sa No. 3 kasi lamang kami sa quotient.” aniya.

Kasalo ng Arellano ang EAC sa sixth, solo sa No. 4 ang Letran (8-7), panlima ang San Sebastian (7-7).

Twice-to-beat na sa semifinals ang Lyceum (15-0) at San Beda (14-1).

Pinamunuan ng 16 points at 11 assists ni Kent Salado ang balanseng atake ng Chiefs. Kumana sina Zach Nichols at Lervin Flores ng 13 at 12 points, may tig-11 pa sina Levi Dela Cruz, Rence Alcoriza at Richard Abanes.

Sunod sa Arellano ang Stags sa Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?