By

1 dakma, 1 nakapuslit sa cara y cruz

Sharing is caring!

Arestado ang isang lalaki habang nakapuslit naman ang isa pa matapos mahuling illegal na nagsusugal ng cara y cruz makaraang ireklamo ng pag-iingay, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa ordinansa na PD 1602 (cara y cruz) ang suspek na si Roberto Yaguil y Moran, habang nakatakas naman ang kasugal nito na si Rolando Barcena, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Malanday.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas 3:00 kahapon ng madaling araw nang makatanggap ng reklamo ang mga tanod ng Barangay Malanday kaugnay sa pag-iingay ng dalawang suspek sa Narra St., Libis Bulelak.

Agad na inireport sa Malanday Police at nagreponde kasama ang mga tanod ng barangay at habang paparating na ang mga ito ay nagawang makatakas ni Barcena habang nadakma naman si Yaguil.

Nakumpiska mula sa suspek ang 3 piso bilang pangara at P40.00 bet money.

Kasaluluyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.

Samantala, nagsasagawa pa ng manhunt operation ang Malanday Police para sa ikadarakip ni Yaguil.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?