95
ABANTE duterte chairman general sibak government

1 chairman, 3 heneral nakatakdang sibakin ni Duterte

Sharing is caring!

Madadagdagan na naman ang mga pangalan sa listahan ng mga sinibak na opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng linggong ito.

Inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa aktibidad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Huwebes ng gabi na isang Chairman at posibleng isabay ang isang batch ng mga pulis na sangkot sa katiwalian.

“I am firing another Chairman of an entity in government maybe this week and another set of mga policemen.

In the next few days, this is really a purging regime. I think that I have been spending a lot of time just to clean up government. I would consume four years for the time that I would be there,”ani Pangulong Duterte.

Iginiit ng Presidente na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga tiwaling lingkod bayan kayat hanggat mayroong corrupt sa gobyerno ay tuloy tuloy ang paglilinis sa mga ito.

“Lahat naman tayo ayaw ng corruption, ayaw ng mali. I am in the thick of firing people. I intend to fire maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption,” dagdag pa ng Pangulo.

Gayonman, hindi tinukoy ng Pangulo kung ang tatlong heneral ay mula sa pulisya o sa militar.

Wala ring higing kung sino ang Chairman na nakatakdang sibakin ng Presidente sa loob ng linggong ito. (aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?