54

Mar 20, 2020 @ 14:19
By

1-buwang sahod pinamudmod ni Romeo

Kung namigay man ng kanyang sahod si Alaska coach Jeffrey Cariaso para sa mga natenggang staff ng PBA, walang panghihinayang ding nag-donate si PBA star Terrence Romeo ng kanyang suweldo.

Nagdesisyong ipamahagi ng Beermen player ang isang buwan nitong suweldo bilang tulong na rin sa mga kapwa nito Pinoy na nadale ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Ayon sa 28-anyos na point guard, pinambili ang tulong niya para sa tig-isang ospital sa Caloocan at Pasig ng mga pangangailangan ng mga apektado ng krisis, gaya ng mga face mask, disinfectant o alcohol, at pagkain.

Sa ngayon ay target pa ng player na magbigay din ng tulong sa ibang mga pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?