13

1-buwan na Ramadan, nagsimula na

Sharing is caring!

Inumpisahan ng Filipino Muslims ang kanilang araw sa pagdadasal dakong alas-kuwatro ng madaling-araw kanina bilang hudyat ng pagsisimula ng Ramadan.

Ang Ramadan ay isang buwan na tradisyon ng Islam sa pagdadasal at pag-aayuno para gunitain ang first revelation ng Quran sa propetang si Muhammad.

Lahat ng Muslims sa buong mundo ay kinikilala ang Ramadan bilang isa sa apat na haligi ng Islam.

Hindi kasama sa pag-obserba nito ang mga may sakit, matanda na, buntis at mayroong regla.

Ito ang panahon ng pag-aayuno kung saan iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw.

Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ito ay ginagawa para sa Diyos o tinatawag nilang Alah, at pagdasal ng mas marami kumpara sa dati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?