75
army1
May 9, 2018 @ 12:23
By

1 bihag ng ASG pinalaya, 1 pa na-rescue sa Sulu

Na-rescue ng tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 3 ang isa sa mga bihag ng Abu sayyaf Group (ASG) sa Sitio Budjang, Brgy Libog Kabao, Panglima Estino Sulu.

Sa report ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana kinilala ang nailigtas na si Blas Jackosalim Ahamad residente ng Sitio Palar, Brgy Gandasuli, Patikul, Sulu.

Si Blas Jackosalim Ahamad, ay isa sa apat na indibidwal na dinukot noong April 29, 2018 kasama ang dalawang babaeng pulis ng grupo nina sub leader Almujer Yadah.

Isinailalim agad sa custodial debriefing at medical examination ng Joint Task Force Sulu Headquarters sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Busbus, Jolo, Sulu ang nailigtas na kidnap victim.

Samantala nitong ika -5 ng Mayo naman pinalaya ng Abu sayyaf Group (ASG) ang kanilang bihag na si Faizal Ahidji sa Sitio Daang Puti Brgy Bangkal Patikul Sulu.

Isa rin siya sa apat na dinukot noong April 29 kasama ang dalawang babaeng pulis sa Brgy. Liang, Patikul, Sulu.

Nagpapatuloy ang rescue operation ng militar sa lugar para mailigtas ang natitira pang bihag ng mga bandido.

Naninindigan naman ang militar na paiiralin pa rin ang no ransom policy pero sinigurong ginagawa nila ang lahat para mailigtas ng buhay ang mga bihag pa ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?