14

Sep 22, 2020 @ 9:52
By

1 baso ginamit sa inuman, COVID kumalat sa Baguio

Tinitingnan ngayon ng Baguio City local government na sanhi ng biglaang outbreak ng coronavirus ang inuman at social gathering sa lungsod.

Binanggit ni Mayor Benjamin Magalong na may naitala silang 43 kaso ng COVID-19.

“Kahapon mayroon kaming 43 cases. Pero that was the result of contact tracing, 82% of that was the result of contact tracing dahil nagkaroon ho ng inuman sa isang barangay, kainan tapos iisang baso lang ang ginamit sa inuman so ito po ‘yong ang laki po ng implication, dumami po ang na-infect sa barangay na ‘yon,” wika sa GMA News ng alkalde.

Karamihan aniya sa mga naitalang bagong kaso ay mula sa Barangays Ferdinand at Sto. Niño na parehong sinailalim na sa lockdown mula Linggo.

May mga virus case din aniya na mula sa isang business process outsourcing company sa Baguio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?