31

Jun 24, 2021 @ 18:36
By

1 ASG member patay, 1 dalaga naisalba sa bakbakan sa Sulu

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) nitong Miyerkoles ng gabi sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.

Ayon kay Maj. Gen William Gonzales, kumander ng Joint Task Force sa Sulu, dakong alas-11:55 p.m. ng gabi nang magbanggan ang dalawang pwersa.

Aarestuhin sana ng mga miyembro ng 45th Infantry Battalion at mga pulis ang miyembro ng ASG na si Rudymar Habib Jihiiran alias ‘Gulam’ nang paputukan ang mga sundalo na siyang nagsimula ng barilan.

Napatay naman sa bakbakan ang isang miyembro ng ASG na kinilala lamang sa alyas na Sawi.

Na-rescue naman mula sa kanilang kampo ang isang batang babae na sinasanay pa umanong maging suicide bomber. Sa taya raw nila ay nasa 13-anyos pa lamang ito.

Narekober din sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang backpack na may lamang mga kagamitan para sa pampasabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?