5

Aug 2, 2020 @ 20:57
By

1-anyos nahulog sa kanal sa Parañaque, patay

Sa kasagsagan ng ulan noong Biyernes, nahulog sa kanal sa Parañaque ang batang isang taong gulang.

Bandang alas-kuwatro umano ng hapon, July 31, nahulog sa kanal si John Angelo Bregino kung saan sa Las Piñas na nakita ang bangkay nito dakong alas-10 ng umaga kinabukasan, ayon sa ulat sa “24 Oras”.

Abala raw noon sa labada ang ina ng biktima habang nasa trabaho ang kanyang ama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?