5

Jan 14, 2021 @ 16:13
By

1.9K pa sapul ng Covid sa PH

494,605 na ang kabuuang bilang ng mga nahawa mula sa sakit na new coronavirus sa Pilipinas.

Inulat ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes ang 1,912 bagong nadapuan ng virus.

25,614 naman ang mga aktibong kaso.

Samantala, may 746 bagong nakumpirmang nakarekober, at 40 pang indibidwal sa bansa na pinatay ng COVID-19.

Kaya naman 459,252 na ang mga gumaling habang 9,739 na ang yumao sa ‘Pinas dahil sa nasabing sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?