8

Jan 1, 2021 @ 16:41
By

1.7K dagdag sa COVID-positive sa PH

May 1,765 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na inulat ng Department of Health (DOH) ngayong unang araw ng 2021.

Dahil dito, umakyat na sa 475,820 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa atin, kabilang ang 26,677 active case.

Samantala, sumirit naman sa 439,895 ang bilang ng mga gumaling sa 106 naitalang new recovery.

Habang sumampa ang death toll sa 9,248 sa apat indibidwal na nasawi rin dahil sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?