35

Jul 16, 2021 @ 18:44
By

1.6M Johnson and Johnson bakunang donasyon ng US dumating na

Nasa Pilipinas na ang mahigit 1.6 milyong dose ng Johnson & Johnson COVID vaccine na donasyon ng Amerika.

Ito ang unang batch ng naturang brand ng bakuna na dumating sa bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

Sakay ng Flight EK 0332 ang may 1,606,600 dose ng Janssen vaccine na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4 ng hapon, July 16.

Ibabakuna ang single-shot vaccine sa mga edad 18 pataas sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?