16

Jul 17, 2021 @ 17:22
By

1.6M bakunang J&J dumating na

Dumating na sa bansa ngayong Sabado ng hapon ang nasa 1.6 milyon bakunang Johnson & Johnson na donasyon ng pamahalaan ng US sa pamamagitan ng COVAX facility.

Pasado alas-4:00 p.m. ng hapon lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 1,606,600 bakuna na pinangalanang Janssen ng naturang kompanya.

Ito na ang ikalawang batch ng mga bakunang donasyon ng US na dumating sa bansa. Ang unang batch ay dumating noong Biyernes.

Ang Janssen ay isang single-shot vaccine, na nangangahulugang ang matuturukan nito ay hindi na kailangan pa ng ikalawang dose.

Aprubado rin itong iturok sa edad 18 pataas.

Sabado rin nang dumating sa bansa ang 1.5 milyon bakunang Sinovac na binili ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?