7

Oct 17, 2020 @ 20:58
By

1.67M Pinoy gumagamit ng droga – DDB

Nasa 1.67 milyong Pilipino ang gumagamit ng iligal na droga, ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB) nitong Sabado.

Batay sa 2019 drug survey, sinabi ni DDB chairman Catalino Uy, na nasa pagitan ang mga drug user ng edad 10 hanggang 69.

4.73 milyon sa mga ito ay mga “lifetime user”.

“Ito ‘yung mga nag-try o gumamit ng drugs once in their lifetime. Pero not necessarily current users sila, ‘no, siguro nag-try lang nu’ng kabataan. So ‘yun tawag sa kanila, lifetime user,” paliwanag ni Uy sa panayam sa DZBB.

Aniya, ang independent entity na Metrics Asia-Pacific Corporation (MAPC) ang nag-validate at nag-analyze ng data na nakolekta sa survey na isinagawa nationwide sa pagtutulungan ng DDB, Department of Social Welfare and Development at Philippine Statistics Authority.

Dagdag niya, ang MAPC din ang gumawa at naglabas ng final report tungkol sa survey kaya may checks and balance ang nakuha nilang data.

Lumabas din na ang pamilya na nasa lower bracket ang mas sangkot sa droga habang ang mga kabataan naman ang “vulnerable” sa pinagbabawal na gamot.

“Na-validate ‘yung ating assumption na ‘yung youth talaga ang pinaka-vulnerable sa drugs, ano? ‘Yung age 15 to 22. We found out also na the younger na magsimula magsigarilyo o uminom ng alcohol ‘yung isang minor, ang laki ng probability na mag-lead ‘yun sa drug,” sambit niya.

Sa resulta ng survey ay lumabas din na mas maraming gumagamit ng marijuana sa 57 porsiyento kumpara sa shabu na 35 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,