18

Jul 22, 2021 @ 10:32
By

1.5M Sinovac bakuna lumapag sa ‘Pinas

Dumating na sa bansa ang bagong batch ng Sinovac vaccine nitong Huwebes ng umaga.

Alas-7:48 ng umaga lumapag ang eroplanong may bitbit na 1.5 milyong dose ng Sinovac sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinalubong ito nina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon naman kay presidential spokesperson Harry Roque, inaasahan na may dumating muling 1 milyong dose ng Sinovac sa bansa sa Biyernes, July 23.

Panibago naman 1 milyon doses ng Sinovac vaccine ang dumating ngayon umaga sakay ng Cebu pacific flight 5J671
Lumapag sa NAIA terminal 3 ang eroplano dakong 07; 49 ng umaga ang 1M doses sinovac na ito ay agad na dinala sa Pharmaserve ang cold storage ng DOH na nasa Marikina City
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?