18

Feb 22, 2021 @ 20:45

1.5M doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, darating sa ‘Pinas bago matapos Marso – Angara

Nasa 1.5 milyon doses ng bakuna kontra COVID-19 galing Sinovac ang inaasahang darating sa bansa bago ang katapusan ng Marso.

“They can deliver in March that 1.5 million that we mentioned earlier.” ani Senador Sonny Angara nang tanungin ni Senadora Nancy Binay hinggil sa bakuna mula nasabing manufacturer.

“Before the end of March is the operative phrase they are using,” pagpapatuloy niya.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na naselyuhan na ng bansa ang inisyal na 25 milyon doses ng Sinovac vaccine na inaasahang darating ngayong buwan.

Samantala, inaasahang maihahatid ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine ngayong linggo na donasyon ng Tsina sa bansa.

BASAHIN:
Duque sa publiko: Kaunting pasensya pa, darating din bakuna!
Galvez nag-sorry sa naantalang pagdating ng COVID-19 vaccine
 
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?