6

Jan 25, 2021 @ 16:32
By

1.5K pa sapul ng COVID-19 sa PH

514,996 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa sakit na new coronavirus sa Pilipinas.

Ito ay matapos i-report ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes ang 1,581 pang kumpirmadong nadapuan ng virus.

29,282 naman ang mga aktibong kaso.

Pinakamaraming nadagdag ngayong araw sa Quezon City na may 89 bagong kaso.

Sumunod ang Cebu City sa 88, Cavite sa 80, Davao City sa 78, at Cebu province sa 50.

Samantala, may 13 bagong nakumpirmang gumaling, at 50 pang indibidwal sa bansa na ginupo ng COVID-19.

Kaya naman 475,422 na ang mga nakarekober habang 10,292 na ang nasawi sa ‘Pinas dahil sa nasabing sakit.

Apat na testing laboratory ang bigong magsumite ng kanilang mga resulta sa tamang oras, sabi ng DOH, kaya hindi pa kasama rito ang kanilang datos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?