5

Oct 18, 2020 @ 17:31
By

1.5 toneladang iligal na droga wawasakin sa Nobyembre

Sisirain ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang natitira pang 1.5 toneladang iligal na droga na nasa kanilang pangangalaga.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villanueva, ang naturang droga ay kasama sa 2.9 tonelada na target wasakin base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“May natitira pa tayo na 1.5 tons of dangerous drugs na susunugin naman natin sa November 26,” saad ni Villanueva sa dzBB.

Aniya, sa oras na maubos na ang mga nasabat na droga sa kanilang imbakan ay magiging una sa kasaysayan ng PDEA na magiging zero ang kanilang inventory.

Matatandaan na una nang sinunog ang abot sa P14B halaga ng iligal na droga kung saan karamihan ay shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?