10

Mar 20, 2021 @ 18:51
By

‘1.3M guro bakunahan para balik-eskuwela na’

Tinutulak ng ilang grupo na mabakunahan laban sa coronavirus disease ang 1.3 milyong guro para makapagbukas na ang mga paaralan sa bansa.

Sa position paper ng mga grupo, na kinabibilangan ng Philippine Pediatric Society, may pamagat na “Prioritize teachers in COVID-19 vaccinations” at inilabas noong Marso 19, 33 education, business at medical groups ang nagtutulak na iprayoridad din sa bakuna ang mga guro.

“Teachers are critical to the continued functioning of society. While teachers are at an average risk level of COVID infection, vaccinating them increases confidence to open schools,” saad ng mga grupo.

Dagdag nila, maliwanag na bumagsak ang pag-aaral sa kasalukuyang learning set-up.

“Around 2.7 million elementary students did not enroll in the current school year,” hayag pa nila.

Sa kanilang pagtataya, nasa 1.3 milyong guro ang dapat mabakunahan para matiyak ang ligtas na reopening ng mga eskuwelahan at pagpapatuloy ng face-to-face class.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?