29

Oct 9, 2021 @ 17:52
By

1.3 milyon Moderna vaccine dumating sa Pinas

Dumating ngayong Sabado ng hapon ang mahigit 1.3 milyon doses ng bakunang Moderna.

Ayon sa ulat, lumapag ang eroplanong may dala ng mga naturang bakuna sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-4:00 p.m. ng hapon.

Ang naturang mga bakuna ay binili ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

Kaya naman, pumalo na sa mahigit 85 milyon ang kabuuang bilang ng bakunang natanggap ng Pilipinas.

Patuloy naman na hinimok ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang mga lokal na pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagbabakuna dahil dumarami na ang supply.

“With the steady arrivals of these vaccines, we call on our local leaders, including our regional directors and offices, [as well as the] IATF to set aside political differences and focus on our efforts to inoculate as many people as possible,” ani Galvez.

Batay sa tala ng pamahalaan, umabot na sa 22.8 milyong Pinoy ang kumpleto na ang bakuna kontra COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,