16

Oct 4, 2020 @ 15:56
By

1.2M account uulitin pagproseso para sa SAP 2

Pinoproseso na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 1.2 million transactional account ng mga pamilyang benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) sa National Capital Region (NCR).

Sabi ni DSWD-NCR director Vicente Tomas, kailangan nilang i-redo ang transactional account ng 1,260,119 family beneficiary sa rehiyon dahil nahanapan ang mga ito ng “discrepancy” sa binigay na impormasyon ng huli.

Ibig sabihin, nauna nang pinaliwanag ni DSWD Undersecretary Glen Paje, hindi tugma ang binigay na impormasyon ng mga family beneficiary sa ulat mula sa iba nilang sinumiteng requirement.

“The beneficiaries supplied conflicting information, like their first and last names, and mobile numbers,” aniya pa.

Samantala, sinabi ni Tomas na nasa 1,942,830 family beneficiary na ng kabuuang 3,202,249 target recipients ang nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?