15

Jul 16, 2021 @ 16:48
By

1.15M AstraZeneca vaccine dumating sa NAIA

Nasa 1.15 milyong dose ng AstraZeneca vaccine ang dumating sa bansa ngayong Biyernes ng umaga.

Sakay ito ng China Airlines flight at lumapag ng alas-9:35 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City.

Bahagi ito ng 5.5 milyong AstraZeneca dose na binili ng pribadong sektor para sa kanilang mga empleyado, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion.

Nakatakda ring dumating ngayong araw ang unang batch ng 3.3 milyong dose ng Johnson and Johnson vaccine na donasyon ng Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?