29
views

1.1 km scarf sa Cambodia, pasok sa Guiness World Record

Sharing is caring!

Naiukit ng Cambodia sa Guiness book of World Records ang 1,100 metrong haba ng krama scarf na popular sa kanilang bansa.

Mahigit 23,000 katao ang nakiisa para sa anim na buwang paghabi ng nasabing scarf sa labas ng Royal Place sa Phnom Penh.

Libong kabataan naman ang nagrolyo sa krama sa kalsada Linggo ng umaga para sa opisyal na pagsukat ng opisyal ng Guiness.

“With 1,149.8 meters, you have set a new Guinness World Record!” ayon sa deklarasyon ni Swapnil Dangarikar, adjudicator ng Guiness.

Ang paghabi ng krama scarf ay may basbas ni Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Ang anak niyang si Hun Many, ang kumatawan sa kanyang 65-anyos na lider sa naturang event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?