144

By

Digong, Honeylet, Kitty nag-weekend sa Hong Kong

Nagbakasyon sa Hong Kong si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang partner na si Honeylet at anak na si Kitty.

Ito ang kinumpirma ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go pasado alas-diyes ng gabi, Sabado.

Ayon kay Go, hiniling ni Kitty sa Presidente ang Hong Kong trip bilang regalo kayat bumiyahe sila noong Biyernes ng gabi.

“Totoo po na pumunta ng Hong Kong si Pagulong Duterte na kasama ang long-time partner nya na si Ma’am Honeylet Avanceña at anak nila na si Kitty para sa isang personal na biyahe,” ani Go.

Sinabi ng dating top aide ni Pangulong Duterte na ginawa na rin ito noong alkalde pa si Pangulong Duterte para sa isang weekend getaway at para makapagpahinga at makapag-relax.

Itinalaga aniya ng Presidente si Executive secretary Salvador Medialdea bilang office-in- charge ng gobyerno habang nasa Hong Kong ang Presidente at asawa at anak. 

“Bago po umalis ang Pangulo ay tinalaga nya si Executive Secretary Salvador Medialdea na OIC at in charge sa pang araw araw na operations ng Office of the President,” dagdag pa ni Go.

Sa Hong Kong na ipinagdiwang ni Madam Honeylet ang kanyang kaarawan nitong Sabado at inaasahang babalik sila sa Pilipinas ngayong Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?