42

By

Zubiri: Mga non-immigrant dapat makakuha muna ng visa bago makapasok sa ‘Pinas

Naghain si Senador Migz Zubiri ng batas na nagsasabing dapat munang makakuha ng visa ang mga hindi migranteng dayuhan bago sila papasukin sa anumang teritoryo ng bansa.

“By elevating the State’s immigration measures, the Philippines will establish itself as a competent, formidable force in the international scene, and in doing so will invite foreign respect and confidence, opening lucrative global opportunities for the nation,” saad ni Zubiri sa isang press release.

Bubuuin ng Senate Bill No. 107 o “Philippine Immigration Act” ang Commission on Immigration na siyang mag-aasikaso sa lahat ng usapin patungkol sa pagprotekta sa soberanya at sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Mahalaga umanong usapin ang imigrasyon laluna’t nagkalat ang overseas Filipino workers sa buong mundo at lumalago na ang mga foreign investment sa Pilipinas.

“In an increasingly globalized age, where borders are made porous by technological advancements and where economies live and die by the politics of international relations, it is imperative that the State strengthen its immigration policies for the protection and growth of the nation and its citizens,” dagdag ng senador.

Balak din ni Zubiri na magkaroon ng Boards of Inquiry na aasikaso sa mga usaping pang-imigrasyon. (Riley Cea)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?