113

By

Zoren ‘pinag-aagawan’ ng dalawang aktres

BALIK-KAPUSO si Zoren Legaspi. Siya ang pinaka-lead actor sa “Kapag Nahati ang Puso” kapareha ang dalawang actress na sina Bing Loyzaga at Sunshine Cruz.

Napanonood ang teleserye tuwing umaga. Nasilip namin ang programa kung saan pinag-aagawan pala ng dalawang aktres ang actor.

Happily married si Zoren sa actress na si Carmina Villarroel at sa kambal nilang anak – Cassy at Mavy.
Matagal munang nagsama sina Zoren at Carmina bago sila nagpakasal. Hanga kami sa actor dahil eversince na naging sila ni Carmina ay hindi siya na-link sa ibang babae. One-woman-man talaga siya.

Sabi nga ni Zoren, ang temptation ay laging andyan. Pero may willpower daw siya para tumanggi. Tinatanong daw kasi niya ang sarili, kung ano ang mangyayari after ng consequences. “A moment of pleasure could lead to a lifetime of regret,” aniya.

May differences din daw silang mag-asawa, pero hindi sila nagtataasan ng boses. May diskarte sila at respeto sa isa’t isa.

Hinggil sa outdoor life nila, hindi raw adventurous type si Carmina. Kapag nanonood sila ng movie, doon daw naii-step out ang kanyang comfort zone.

Wala namang regrets si Zoren sa kanyang married life. Katunayan, he’s very happy having Carmina at dalawang kambal.
Malalaki na rin ang anak nila at para na lang silang barkada kapag nagsasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?